Ang Plano ng Diyos ay mabuti.

Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: Ngayon o kaya bukas, kami ay pupunta sa gayong lungsod. Mananatili kami roon ng isang taon. Kami ay mangangalakal at tutubo. Ngunit hindi ninyo nalalaman kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ito ay sapagkat ano ang iyong buhay? Ito ay tulad sa isang singaw na sa maikling oras ay lumilitaw at pagkatapos ay naglalaho. Ito ang dapat ninyong sabihin: Kung kalooban ng Panginoon, mabubuhay tayo. Gagawin natin ang bagay na ito o ang gayong bagay. Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga kayabangan. Ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay napakasama.  Kaya nga, ang sinumang nakakaalam sa paggawa ng mabuti at hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kaniya. James 4:13-17


Nakikita natin dito pinagsabihan ni James yun mga tao tungkol sa pag gawa ng plano ayon sa kanilang sarili at hindi tinitignan ang kalooban ng Diyos. Ang sinasabi ni James dito puwede tayo gumawa ng plano para sa sarili natin, pero dapat ang Diyos ang siyang may huling salita para buhay natin.
Kapag gumawa tayo ng plano base sa plano ng Panginoon para sa buhay natin makikita natin na ang plano nya ay masmabuti. Bilang tao minsan gusto natin gumawa ng sarili natin plano. Mas gusto natin ang ating kalooban. Pero naiisip ninyo ba na ang Diyos ay masmabuting plano para sa buhay natin.


May mga halimbawa pinapakita sa Biblia na yun Plano ng Diyos ay mabuti. 
1. Si Pedro at yun mga kasma nya nangingisda sila ng buong gabi. At sabi ni Hesus na pumunta kayo sa pinakamalayo lugar ng dagat at makakahuli sila ng isda. Ang plano ni Pedro ay kalimutan muna ang pangiisda at umuwi na. Pero sinunod nya ng kalooban ng Panginoon, at nalanam niya ay mabuti ang plano ng Diyos.
2. Sinabi ni Hesus na mamamatay siya sa cross at nirebuke siya ni Pedro. Sa isip ni Pedro na maganda yun plano niya na iligtas ang Panginoon, pero yun nagpapako si Hesus sa cross and binayaran niya yun mga kasalanan natin magpakailanman, nalaman ni Pedro mas mabuti pa rin ang plano ng Diyos.


Puwede pa ako magbigay ng marami halimbawa mula sa Salita ng Diyos. Tandaan natin lagi kung tayo ang gagawa ng plano para sa buhay natin, sa pamilya, sa mga anak, o para sa ating kinabukasan isipin lang natin lagi kung ano ang kalooban at plano ng Diyos para sa atin. Hayaan natin ang Diyos na mumuno sa ating buhay at malalaman natin ang plano ng Diyos ay lagi mabuti.




Pr Michael F.